Thursday, November 10, 2011

Payo ng Isang Kaibigan




           Sa mundong kinalalagyan natin ngayon, lumalamang na ang karahasan at kadungisan ng lipunan. Kung hindi ka matikas, hindi mo malalabanan ang mabilis na alon ng buhay. Madadala ka ng maruming alon na magdadala sa iyong pinakamasamang bangungot ng iyong buhay, kaibigan.

            Hindi man natin naiisip, ang teknolohiya ay isang malaking baha na kailangan nating pigilan. Mayroon ngang mabubuting dulot ang bagay na ito, ngunit alam mo naman ang isang tao, makulit ang isipan kaya tuloy nakakagawa ng masamang bagay. Isa na dito cyber bullying.

Hahabulin ka kahit saan!
           
            Internet, blog, facebook, twitter at kung anu ano pa. Kahit saan ka magpunta, sinusundan ka. parang isang anino na bubuntot buntot sa iyo. At ang mga social networking sites ang isa sa mga pinamumuguran ng cyber bullying. Umabot na sa 26,752,000 ng mga Pilipino ang  gumagamit ng Facebook. Kakaunti ang bilang kumpara sa total na populasyon, pero napakadami na kung iisipin. Nabibilang ka sa numerong iyon. Hindi magtatgagal at dadami pa ang bilang ng mga gumagamit ng facebook. Hindi tayo nakaksiguro na lahat ng taong gumagamit ng facebook ay mabubuti. Nandiyan palagi ang tukso, kaibigan. Kahit saan, hinding hindi mo ito matatakbuhan.

Malapit ka nang masapian!

            Sa lahat ng bagay, may makikita tayong masama at mabuti, pero ang cyber bullying, ewan ko lamang. Ito ay sinadya upang magkaroon ng epekto sa paguutak ng biktima, upang ihatid sa biktima ang pagdurusa na hinding hindi niya malilimutan. Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga biktima ay nasasapian ng demonyo, biro lang kaibigan, ngunit sila ay nagkakaranas ng iba’t-ibang negatibong emosyon, gaya ng:
           
·         Galit
·         Lungkot
·         Masasaktan
·         Mapapahiya
·         Matatakot

Hindi lamang iyon, magkakaroon din ito ng epekto sa pamumuhay ng biktima, halimbawa nito ay:

·         Hindi makakapagpokus
·         Bababa ang marka sa paaralan
·         Pagliban sa paaralan
·         Pagpapakamatay

Hindi kita tinatakot kaibigan, nagsasabi lamang ako ng totoo.

Sige, takbo!

            Alam na nating lahat na ang cyber bullying ay imposible nang maigilan. Hindi mo man ito mapigilan, maaari kang makatulong sa pagbawas nito. Maniwala ka kaibigan, malay mo ikaw ang susi ng magandang bayan.

1.    Wag mong hikayatin ang iba ng magcyber bullying.
2.    Kung gusto mo magmura sa isang tao sa pamamagitan ng internet, wag mo nang gawin kaibigan, malakas ang karma.
3.    Kung may kilala kang biktima, sabihin mo kaagad!
4.    Huwag kang mag-eemail para lamang manakot o mag-blackmail.
5.    Kung ikaw mismo ang nakatanggap ng pambabastos, sabihin mo agad, talo ng maagap ang masipag.